why forgive?
The first and often the only person to be healed by forgiveness is the person who does the forgiveness...When we genuinely forgive, we set a prisoner free and then discover that the prisoner we set free was us.
- Lewis Smedes
how hard it is for us to let go of the hurt done to us by other people. we often cling to that not realizing that we are no longer tormenting the ones who did us wrong. instead we are binding ourselves with the hatred and anger that should have been righteous in the first place, condemning the sin and not the sinner. but then in the end we find ourselves doing the opposite. it is only when we fully realize the price God's Son had to pay for us to forgive completely and break the bondage of an unforgiving spirit, surrendering it to the One who first loved us despite our biggest shortcomings. God, though just in His ways is openning His arms to those who 'lost their way,' receiving them, restoring them to their proper place in His kingdom...as His children. are we to be different? tough to answer but then maybe it is in its truest sense that we 'take up the cross and follow Him.'
i thank God...
i thank God for the taxes that i pay, because that means i have a job
i thank God for the early morning travel, because that means i have transporation allowance
i thank God for my small allowance, because that means i still have something to spend
i thank God for the taho i have for breakfast, because that means i have five pesos in excess of my transporation allowance
i thank God for the exams i am taking @ PeopleSupport, because that means i am able to remember what i was taught during training (although am still at training)
i thank God that i passed those exams, because that means i am becoming a part of PeopleSupport
i thank God i have a kuya, because that means i can be myself and expect him to understand me
i thank God for my not so little brothers, because that means i can practice my patience and understanding with them
i thank God for after-party trash, because that means i have friends to celebrate with
i thank God for the problems i encounter in life, because that means God is about to take over again
i thank God for my life, because that means God is about to do something wonderful with it
beng's childhood memories
relate ako :D Kung di ninyo ito naranasan, you missed quite a lot. :-)
Nung araw, pagkagaling dati sa eskwelahan, libre na ang mga bata para maglaro buong araw. Hindi tulad ngayon, mas stressed out pa sila sa matatanda dahil sa mga naka-schedule na academic subjects review, piano lesson, computer tutorial, ballet class, basketball training, painting session, at marami pang iba.
Simple lang ang buhay noong araw. Simple lang ang konsepto ng mga bata sa salitang "paglilibang". Solb na sila sa traditional games.
Naalala mo pa ba ang tumbang preso? E yung taguang bato, agawang panyo, takipsilim, luksong lubid, hilahang lubid, chinese garter, jackstones, trumpo, saranggola, softball, sipa, siyatong, piko, at sungka?
Lahat ng mga larong 'to e nangangailangan ng equipments or materials. Pero noproblemo, mga mura lang 'to, at karamihan e bagay na pwede mong makita sa basurahan o bodega n'yo. Meron ding mga mas matipid na alternatives, talagang wala nang gastos.
Eto yung patintero, taguan pung, habulang daga, doctor quak-quack, open the basket, touch the color, luksong baka, luksong tinik, pitik-bulag, jack en poy (natinawag na ngayong bato-bato-pik), sawsaw-suka, at yung mataya taya--isang uri ng larong habulan para sa mga batang gustong tumakbo nang tumakbo hanggang hikain sila.
Andyan din yung mga larong pwedeng tawaging Sugal For Kids, gaya ng goma, tex, at jolens. Pero for formality lang ang mga rubber bands, play cards, at marbles.
Ang totoo, hindi mo na kailangan bumili sa tindahan para maranasan ang thrill ng pustahan. Dahil pwede mong ilaban sa Kalog ang mga bagay na tulad ng balat ng sigarilyo,balat ng candy, at tansan ng mgabote ng beer, softdrinks, toyo, at patis.
(Tip: magandang pamato ang mgatansan ng patis!)
Inabutan ko rin noon yung mga larong sadista tulad ng sumpak at sumpit. Magtatago ka, tapos titirahin mo lahat ang kalaro mo nang pa-traydor. Maraming na-barangay sa min dati dahil dito. Ang saya!!! Hindi pa 'yan kumpleto.
Syempre meron din tayong mga medyo weird na laro. Isa na dito ang larong hindi ko alam ang pangalan at hindi ko alam ung paano ko ide-describe. Para 'to sa mga batang lalake. Isang pinitpit at pinatalim na tansan ang ikinakabit sa tali na isinusuot naman sa mga hinlalaki ng magkabilang kamay. Paiikutin mo angmatalim na tansan na parang chain saw, tapos itatapat sa kalaban mong may hawak ding ganito. Panalo ka pag napatid mo yung tali nung kalaban. Talo ka pag tumalsik sa mukha mo yung blade at sumirit ang maraming dugo.
Kung mahilig ka sa mga brutal na kasiyahan, pwede mo ring pagtripan ang cue at dalawang nagbubugbugang gagamba (disqualified ang gagambang-alikakabok at gagambang-talon).
Kung gusto mo naman, pwede ring magpustahan ang dalawang salagubang. Pagdikitin lang ang mga likod nilang nginuyang bubble gum at ilapag sila sa sahig nang patagilid. Kung sinoang unang makatayo, yun ang panalo.
Tiyak mag-e-enjoy ang buong pamilya.
Samantala, kung may ant farm ang mga taga-ibang bansa, meron din tayo, original at mas masaya pa. Madalas ako dating mag-ipon ng ipis sa loob ng bote ng softdrinks, o kaya naman, mga millipede o garapata sa loob ng transparent na lalagyan ng film ng camera. Pag sawa na 'ko, binubuhusanko lang ng alcohol ang mga alaga ko. Minsan iniihian ko para mas cool! Isa pang paborito kong laro e yung bangaw na may sinulid. Humuli ka lang ng malaking bangaw (yung makintab ang pwet) at dahan-dahan na pisain ang tiyan nito. May lalabas na kulay puti sa pwetan nito (na hanggang ngayon e hindi ko alam kung ano). Dito mo itatali ang sinulid, at presto, meron ka nang kaibigang bangaw na pwede mong sundan kahit saan!
Sa mga kababaihan naman, hindi mawawala yung aral-aralan, bahay-bahayan, luto-lutuan, at yung mga papel na manika. Eto yung mga larong makalat, dahil pagkatapos, asahan mong marami silang iiwanang mga durog na chichiria, mga ginupit na papel, at mga halamang hiniwa, tinadtad, at niluto sa "bahay" nila. At syempre pag may niluluto, may apoy. Madalas nagsasabay yung lutu-lutuan at bahay-bahayan. Naluluto yung bahay. Kaya kaaway ng mga bumbero ang larong 'to. Marami-rami na 'yan, pero kung wala ka pa ring naaalalang sinalihang laro dati, malamang e ikaw yung loner na tipo ng bata.
Kuntento ka na sa pamamakyaw ng mga maaalat na chichiria sa katabi n'yong tindahan, o sa pag-arkila ng mga Funny Komiks. Ayos na rin sa'yo yung pagpapaikot ng gulong sa kalsada, yung bang mga nakikita sa junk shops. O kaya naman e yung magnet, na ididikit mo sa kung saan-saan tapos masaya ka na. Andyan din yung nagpapaputok ng pinalobong plastic bag, yun bang transparent na plastic na pinaglagyan ng mga sibuyas na binili sa palengke. O kaya eyung pagligo sa malakas na ulan, kasama na d'yan yung karerahan ng bangkang> papel sa kanal at yung paglulublob sa baha.
'Yan ang pinagkakaabalahan ng mga bata. At ang mga maririnig mo sa kalye, ganito: May dumi sa ulo Ikakasal sa Linggo Inalis, inalis Ikakasal sa Lunes (Hindi ko alam kung ano ang sikreto ng kantang 'to, pero hindi 'to pumalpak kahit kelan. Pag kinantahan mo ng ganito ang bata, automatic na pilit nitong tatanggalin ang dumi sa ulo n'ya, kahit wala.) Wala sa likod, wala sa harapPagbilang kong tatlo nakatago na kayo Isa, dalawa... (sisilip ang taya) ...Game? (Sisigaw naman ang isang tanga: "Game!") -- s'ya ang kadalasan ang laging unang nakikita.
beng is one of my favorite sunday school teachers. a good friend and a nice one too. :)
things we take for granted
we often try to think of the things that we would like to have. what we overlook is that the best things in life are free...but are they? i believe so. problems come and go and as the days continue to take its toll on us, we tend to loose sight of the 'light at the end of the tunnel,' and loosing hope is the start of not seeing the best things in life.
recently, i've discovered that waking up in the morning is one blessing that i've overlooked and going to bed in the evening is sanctuary. for all the heartaches incurred for the day, that's two breathers we can look forward to daily.
blessings...they truly come in different packages.